SINABI ni Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas II na bukas siya sa posibilidad na maging runningmate si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa 2016.
“Well, bakit naman hindi? It’s not for me to say. Pero tignan na lang natin ang record,” sabi ni Roxas.
Sinamahan si Roxas ni Santos matapos mamigay ng mga bagong patrol jeep sa 31 munisipalidad ng Batangas.
“A whole myriad of budgetary deficit to security, to agriculture, lahat ‘yan ay naharap niya. So, kung titignan, may kakayahan, may karanasan, may kaalaman kung ano ang gagawain. Nasa sa kanya at nasa mga kababayan n’ya kung ano ang mangyayari,” dagdag ni Roxas.
Nauna nang sinabi ni Santos na wala siyang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016.
Lumabas din ang ulat na kinukonsidera rin si Santos bilang bise presidente ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.