Sigaw ni Baron: Discrimination!

HUMIRIT ang kampo ng aktor na si Baron Geisler na diskriminasyon ang ipinairal ng isang bar sa Pampanga nang hindi ito papasukin sa nasabing establisimyento.

Wala umanong malinaw na rason ang bar sa Angeles City para harangin ng bouncer nito at hindi papasukin ang aktor.

Sa isang press statement, sinabi ng kampo ni Geisler na posibleng iniisip ng bar ang mga “obvious past issues” ng aktor kaya ito pinagbawalang makapasok.

“Baron may have overreacted due to frustration but had reason and was well within his rights to question and demand explanation from the manager or somebody who had authority, why he was being denied admission into a public place that offers entertainment and serves alcoholic beverages,” ayon sa statement.

Sa video na tumagal ng pitong minuto at in-upload ng isang Mojahid Abdulmoume, ay nagpapakita na si Geisler at bouncer ang nag-aaway matapos hindi siya papasukin sa bar.  Maririnig sa nasabing video ang murahan ng dalawa.

Sa caption, sinabi ng uploader na hindi pinapasok si Geisler dahil siya ay lasing na.

Read more...