Jodi Sta. Maria maraming pasabog sa pagbabalik-PSY | Bandera

Jodi Sta. Maria maraming pasabog sa pagbabalik-PSY

Ervin Santiago - July 10, 2015 - 03:00 AM

JODI STA. MARIA

JODI STA. MARIA

Masasaksihan na ng TV viewers ang hagupit ng paghihiganti ng karakter ni Jodi Sta. Maria sa kaabang-abang na pagbabalik ni Amor Powers sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo.

Matapos ang mahabang panahon ng pananahimik, handa na si Amor na muling harapin ang mga taong sumira ng kanyang buhay at pamilya, at iparamdam sa mga ito ang batas ng isang api.

Ano ang gagawin ni Amor sa oras na makaharap niya muli ang lalaking iniibig na si Eduardo (Ian Veneracion) at ang babaeng sumira sa kanilang relasyon na si Claudia (Angelica Panganiban)?

Paano nga ba niya babaguhin ang buhay ng lahat kabilang na ang mas lumalalim na samahan nina Angelo (Daniel Padilla) at Yna (Kathryn Bernardo)?

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Pilipino, Pangako Sa ‘Yo, gabi-gabi pagkatapos ng Nathaniel sa ABS-CBN Primetime Bida.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending