Braso’t dibdib ni Gerald malangis; Rayver dedma sa bukas na zipper

ENCHONG DEE, GERALD ANDERSON AT RAYVER CRUZ

ENCHONG DEE, GERALD ANDERSON AT RAYVER CRUZ

SUCCESSFUL ang first attempt ng chinito actor na si Enchong Dee na pasukin ang concert scene with his “Dee Tour” sa Music Museum last Friday. Dumating halos lahat ng mga kaibigan ni Enchong sa showbiz na binentahan niya ticket.

Hindi naman dinenay ni Enchong na talagang binentahan niya ng tickets ang mga kaibigan niya.

Sabi ni Enchong sa kanyang spiels sa concert, mas maigi na marami kang kaibigan sa showbiz kesa may talent ka. True naman na talagang maraming friends sa showbiz si Enchong. Mabait at mahusay kasing makisama ang aktor.

Kaya naman kahit may taping si Gerald Anderson “tumakas” muna siya sa set ng Nathaniel para makarating sa concert ni Enchong at nag-perform with other Kapamilya male stars na sina Rayver Cruz, Xian Lim at Enrique Gil.

Say ng katabi namin, madungis at dugyot daw ang dating sa kanya ng hitsura ni Gerald. Sabi namin sa kanya, galing sa taping ang binata at ibabalik din agad sa set kaya siguro hindi na siya pinagbihis.

Malangis-langis kasi ang mga braso’t dibdib ni Gerald sa suot niyang punit na manggas na white shirt.

Pero kung mukhang dugyot at marumi si Gerald sa paningin ng katabi namin, ‘yung ang iba naman ay naseseksihan sa hitsura niya.

And guess ninyo kung sino ang isa sa mga celebrities na nandoon sa audience? It’s Janice de Belen na kasama ang kanyang naggagandahang mga anak na babae kay John Estrada.

Nagulat naman ang audience sa ginawa nina Gerald, Enrique, Xian at Rayver sa stage. Sa paghaharutan, ‘di napansin ni Rayver na bukas ang zipper ng kanyang pantalon habang nili-lypsinch ang kanta ni Ricky Martin.

Habang si Gerald naman ay ibinababa ng kanyang maong pants habang nagpe-perform. Napaka-naughty naman ng outfit ni Enrique na baka ika-turn off ng mga nanay na fans nila ni Liza Soberano.

In fact, maging si Enrique ay naalangan sa suot niya at nasyokot na baka pagalitan ng kanilang manager na si Johnny Manahan na nanoood din ng concert.

All in all, nakakabilib si Enchong sa pagbuo niya ng kanyang first solo concert, huh! Medyo mahirap ding mag-mount ng ganoon kalaking show sa Music Museum and yet, he pulled it off.

Syempre, in full support ang pamilya ni Enchong that night mula sa kay Mommy Tess at sa Daddy niya hanggang sa mga kapatid. Bitbit ni AJ Dee ang dalawang super cute niyang anak, pati ang misis niya na dati ring Star Magic artist.

Nandoon din ang model girlfriend ni Enchong na si Samantha Lewis kasama ang ina nito na may hawig kay Marlene Aguilar. Nilapitan pa ni Enchong si Sam to acknowledge her presence.

Hindi man sabihin ni Enchong, kitang-kita kung gaano niya pinaghirapan ng husto ang kanyang “Dee Tour” concert. Lutang na lutang ‘yun sa performances niya during the show.

And to think na ginawa niya ang kanyang first solo show sa kasagsagsagan ng mga programa niya sa ABS-CBN na Kung Fu Chinito at Pinoy Big Brother 737 Edition.

May second night pa ang “DeeTour” ni Enchong sa Music Museum tonight, July 10. Sa mga hindi nagkaroon ng chance na makapanood nu’ng first night, this is your last chance. To you Enchong, congrats!

Read more...