SIMULA bukas (Sabado), kasabay ng pagpasok ng tag-ulan, mas lalong magkakaroon ng dahilan ang buong pamilyang mag-“staycation” hatid ng back-to-back pilot telecast ng modern fantasy series na Lola Basyang.com at teen horror-comedy na #ParangNormal Activity.
Kakaiba at modernong bersyon ang Lola Basyang.com ng tradisyunal at makasaysayang Pinoy icon nasi Lola Basyang. Madalas ay nakikita natin ang mga paglalarawan kay Lola Basyang na isang maamong matandang babaeng puti ang buhok at nakaupo sa tumba-tumba.
Naidikit na rin sa kanya ang mga kwento ng kagandahang-asal at mga Pilipinong kwentong-bayan. Pero sa bagong bersyon ng Lola Basyang.com, techie at isang blogger si Lola B na nagkukwento sa kanyang mga apong nasaabroad sa pamamagitan ng internet at webcam.
Gagampanan ng beteranang aktres na si Boots Anson-Roa ang title role.
“Ang nangyayari ngayon, habang mas nagiging moderno ang buhay natin gamit ng teknolohiya, mas lalo dapat nating balikan yung mga nakagisnan nating Filipino values,” kwento ng direktor at producer na si Perci Intalan, isa sa nakaisip at bumuo ng series na ito kasama ang award-winning filmmaker na si Jun Lana.
Sa panahong madalas na ang mga kabataan ay nakatutok sa mga gadgets at iba’t ibang mobile computer games, nakita ng TV5 at ng producers ng The IdeaFirst Company ang pagkakataon sa Lola Basyang.com para punan ang pangangailangan na buhayin ang pagkukwento ng mga classic Filipino stories na hindilamang nagtuturo ng kagandahang-asal kundi nagmumulat rin sa kabataan ng ating mayamang kultura atpanitikan.
Batid rin ng TV5 at nina Jun at Perci na kailangan ay pukawin ang atensyon at imahinasyonng mga kabataan.
Tuwing Sabado, mapapanood ang mga hitik sa aral na kwentong gaya ng kay Maryang Makiling, Ang Plawtin ni Periking, Rosa Mistika at Ang Prinsipeng Mapaghanap. Para sa pilot episode, gaganap si Jasmine Curtis bilang si Maryang Makiling. Si Vin Abrenica naman ang gaganap bilangPeriking sa Ang Plawtin ni Periking sa susunod na Sabado kung saan makakasama niya si Ynna Asistio.