Charice may planong pakasalan si Alyssa: Pero mag-iipon muna ko!

CHARICE AT ALYSSA QUIJANO

CHARICE AT ALYSSA QUIJANO

Inamin ng international star nating si Charice na may plano talaga siyang pakasalan ang partner niyang si Alyssa Quijano, lalo na ngayong legal na ang same sex marriage sa Amerika.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Charice, gusto niyang maging mag-asawa sila ni Alyssa pero hindi ito ang top priority nila ngayon.

“Kung plans lang, meron naman talagang plano. But dates, venues or anything, wala pa. Siyempre focused muna kaming dalawa sa kung anong ginagawa namin ngayon. Trabaho muna, ipon muna,” sey ni Charice.

Gusto raw kasi niyang bigyan ng bonggang kasal si Alyssa.

Read more...