Muling lalakas ang naluluging tindahan (2)

Sulat mula kay Tessie Matabao, Buenavistya, Agusan del Norte
Problema:

1. Ako po ay isang single mom at mula ng iniwan ako ng mister ko ay naobliga na akong buhaying magisa ang dalawang naming anak. Sa kasalukuyan ay may tindahan naman ako na pinanggagalingan ng aming ikinabubuhay dati malakas ang tindahan ko pero ng maubos ang puhunan nakapangutang ako sa “five-six” at simula noon hindi na ako makaahon ahon pa sa mga pagkakautang. Sa palagay nyo lalakas pa kaya ang tindahan namin at malalagyan ko kaya ito ng laman na hindi na galing sa utang.
2. Sana maturuan nyo ako ng paraan para mapaunlad ko uli ang aming buhay alang-alang sa dalawa kong mga anak na mag ha-high school na sa susunod na pasukan. October 14, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Aloha ng Agusan del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang tutulong sa iyo upang makabayad ka ng mga utang at magbibigay rin sa iyo ang nasabing lalaki ng dagdag na puhunan. Ang paglutang ng nasabing lalaki ay inaasahan sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre sa taon ding ito ng 2015.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing basta’t sinupin mo lang ng sinupin ang nasabing tindahan, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran dahil narin sa nabanggit na tindahan, mapapaunlad mo ang inyong kabuhayan at mabibigyan mo ng magandang kinabukasan ang iyong mga anak.
Luscher Color Test:
Upang magpatuloy na lumakas at maging mabili ang inyong tindahan pinturahan mo ito ng kulay pula. Sa ganyang opisyal na kulay ng inyong tindahan, muling darami ang mga mamimili hanggang sa lumakas na ng lumakas uli ang inyong benta.
Huling payo at paalala:
Tessie ayon sa iyong kapalaran, mula sa buwang ito ng Hulyo, humigit kumulang dalawang buwan ka na lang mamumroblema, dahil pagsapit na pagsapit ng buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, darating na ang lalaking tutulong sa iyo upang mabayaran mo ang iyong mga utang at magbibigay din sya ng tulong upang magkaroon ka ng karagdagang puhunan. Ang lalaking nabanggit na tutulong sa iyo na tila anghel na hulog ng langit ay nagtataglay ng initila na M.R.

Read more...