Bashers supalpal kina Angelica at Lloydie

john lloyd cruz

SUPALPAL na naman ang detractors ng magdyowang Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz!
E, kasi nga, muling pinatunayan ng dalawa na very much together pa rin sila sa gitna ng intrigang on the rocks na ang kanilang relasyon.

Kamakailan ay nag-celebrate sina Angelica at Lloydie ng kanilang 3rd anniversary, at isang litrato ang ipinost ng Pangako Sa ‘Yo actress na kuha sa kanilang anniversary date.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Angelica ang naging anniversary celebration nila ni John Lloyd nu’ng Martes – isang simpleng breakfast date lang daw ang naganap kung saan pinagsaluhan ng magdyowa ang tinawag nilang “love breakfast meals” – ang yummy spam and cheese sandwiches.

Nilagyan pa ito ni Angelica ng caption na: “This is how we celebrate. #THREE 7/7/15.” Siguro naman titigil na ang mga tsismosa na nagkakalat na hiwalay na sila, siguro naman sapat na ang mga ebidensiyang ipinakita nina Lloydie at Angel na walang katotohan ang chikang wasak na ang kanilang relasyon.

Samantala, patuloy na tutukan ang Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo pagkatapos ng Nathaniel sa ABS-CBN kung saan umaariba ang pagiging kontrabida ni Angelica bilang si Claudia Buenavista.

Tutukan ang muli nilang paghaharap ni Jodi Sta. Maria bilang si Amor Powers at tiyak na hindi kakayanin ng powers n’yo ang kanilang mga pasabog! Kahapon muling nag-trending ang #PSYChances episode ng Pangako Sa ‘Yo sa Twitter kasabay ng patuloy na paghataw nito sa ratings game bilang number one show sa telebisyon.

Read more...