Matteo sa mga tsismosa: Hinding-hindi ko pakakawalan si Sarah!!!

matteo guidecelli

SANDALI naming nakahuntahan si Matteo Guidicelli noong Lunes ng hapon sa DZMM Teleradyo after niyang mag-promote ng “Dreamboys” concert nila (with JC de Vera at Daniel Matsunaga) sa radio show nina mareng Winnie Cordero at Ariel Ureta.

Agad naming tsinika kay Matteo ang naging guesting ni Sarah Geronimo sa Gandang Gabi Vice noong Sunday evening kung saan nga nag-trending ang bawat sagot ng Pop Princess kaugnay ng ilang isyu sa personal nitong buhay and of course about her lovelife.

“Oo nga eh. I also saw it. Masaya di ba?” ang sabi nito sa amin.  Humanga nga raw siya sa katapatan at pagiging natural ng GF kaya’t lalo raw niya itong nami-miss.

Apparently, kapatid na Ervin, naging madalang nga ang kanilang pagkikita dahil kapwa sila naging busy sa respective projects nila.

Habang tinatapos daw ni Sarah ang movie nito with papa Piolo Pascual, siya naman daw ay sagad-sagaran sa mga shows abroad, hanggang sa pagbabalik niya sa bansa kung saan naging busy siya sa preparasyon ng kanilang “Dreamboys” concert.

“Hanggang sa phone lang,” simple pa nitong sagot nang tanungin namin kung paano nila nairaraos ni Sarah ang sobrang pagka-miss sa isa’t isa.

Lagi naman daw silang nagkakausap at nagbabalitaan kaya’t updated sila sa mga nangyayari sa bawat isa.

Hindi raw siya sure kung makakapanood ng concert nila ang singer-actress, pero ang kinumpirma niya ay hindi niya pakakawalan si Sarah kahit marami pang nang-intriga sa kanilang relasyon.

Read more...