Supertyphoon pangkaraniwan na lang

HUMINGI raw ng patawad si Vice President Jojo Binay sa mga pulis na nagbantay sa Makati City Hall noong isang linggo nang bumaba sa puwesto ang kanyang anak na si Mayor Junjun.

Napilitang bumaba sa puwesto si Junjun Binay dahil hindi pinaunlakan ang kanyang petisyon sa Court of Appeals na balewalain ang order na sinususpendi siya ng Office of the Ombudsman.

Ang suspension order ay tungkol sa kasong nagpatong si Mayor Binay ng malaking “commission” para sa kanya sa pagpapatayo ng Makati Science High School building.

Bukod pa ito sa suspension order na ipinataw ng Office of the Ombudsman kay Binay sa napakalaking “tong-pats” sa construction ng Makati City Hall Building II.

Ang petisyon laban sa unang suspension order ay dinidinig pa ng Supreme Court.

Ang paghingi ng patawad ni Vice President Binay sa mga pulis ay dahil napilitan siya.

Nais niyang bumawi dahil masyadong tinabangan sa kanya ang publiko sa kanyang pagkompronta kay Senior Supt. Elmer Jamias, deputy director ng Southern Police District, na lider ng mga pulis na nadeploy sa Makati City Hall.

Sinabi ni Jamias na nilait ng Vice President ang kanyang pagkatao at pagiging pulis.

Sa paglait ni Binay sa pagkatao ni Jamias, nakalimutan niya yata kung saan siya nanggaling.

Si Binay ay galing sa mahirap na pamilya.

Noong siya’y bata pa, nakatira ang kanyang pamilya sa Culi-Culi, ang red light district sa pagitan ng Makati at Pasay City .

Maraming nagkukuwento na noong siya’y di pa binatilyo, siya’y naghuhugas ng orinola ng mga putatsing ng Culi-Culi upang kumita.

Inuutos-utusan daw si Jojo Binay ng mga putatsing at mga bugaw na bumili ng mga gamit sa “slaughterhouse” gaya ng alcohol at mga alak at sigarilyo.

May kasabihan tayo na ang taong di marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan.

Mahihirapan si Jojo na marating ang gusto niya paroroonan—ang maging Pangulo ng bansa—dahil pilit niyang winawaglit sa kanyang isipan kung saan siya nanggaling.

Matapang si Jojo Binay sa pagkompronta sa mga pulis na pinamunuan ni Senior Supt. Jamias dahil marami siyang mga bodyguards na pulis din at mga Marines.

Nang siya’y naupo bilang Pangalawang Pangulo, hiningi niya na mabigyan siya ng halos isang platoon na mga Marines at pulis.

Ibig sabihin, ang kanyang katapangan sa pagkompronta at paglait-lait kay Jamias ay hiram lamang.

Dapat siguro ay alisan na siya ng mga napakaraming bodyguards na pulis at Marines.

Tingnan natin kung siya’y matapang pa rin kung wala na siyang mga bodyguards.

Papasok na ang bagyong si “Falcon” sa Philippine Area of Responsibility (PRA) ilang araw pa.

Ang bagyong Falcon ang nagdudulot ng mga malalakas na pag-ulan matapos ang pag-alis ng bagyong “Egay.”

Ang bagyong si Falcon ay magiging supertyphoon kapag ito’y tumama sa lupa.

Supertyphoons like “Yolanda,” that hit Eastern Visayas , and “Pablo,” that hit Davao Oriental, have become the new normal.

Ibig sabihin niyan magiging pangkaraniwan na lang ang mga supertyphoons na tatama sa ating bansa.

Yolanda ang Pablo wrought immeasurable damage to property in the Visayas and Mindanao and claimed at least 20,000 lives.

Read more...