‘Gwapo pa rin si Piolo, pero parang magkuya lang sila ni Sarah!’

PIOLO PASCUAL AT SARAH GERONIMO

PIOLO PASCUAL AT SARAH GERONIMO

Ilang kaibigan namin ang nanood ng pelikula nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo. Hindi raw gaanong puno ang sinehang pinanooran nila. Hindi naman flop pero marami-rami pa ring bakanteng upuan ang sinehan.

“Napanood din kasi namin ang mga past movies ni Sarah na si John Lloyd Cruz ang katambal niya.

Naghihintay pa kami sa labas, punuan kasi, hindi tulad ng kina Sarah at Piolo na okey lang, makapapasok ka agad,” komento ng aming kaibigan.

Okey raw naman ang pelikula, rocker ang papel na ginagampanan ni Piolo, kaya marami siyang tattoo.

Pero may napansin ang mga nanood ng kanilang tambalan.

“Sorry to say, guwapo pa rin si Piolo, wala pa ring tatalo sa kaguwapuhan niya, pero talagang parang magkuya lang sila ni Sarah sa movie.

“Halatado nang nagkakaedad si Papa P. Ilang panahon pa, pangtatay na ang role na ibibigay sa kanya. Hindi na kasi convincing na leading man pa rin siya.

“Hindi na siya bagets, hindi na bagay sa kanya sa susunod ang mga pakilig movies, tatay na talaga ang dating niya,” madiing sabi pa ng aming mga kausap.

Isang katotohanan ‘yun na hindi lang si Piolo Pascual ang kailangang maghanda. Lahat sila’y magkakaedad, lahat sila’y mauuwi sa mga papel na pangtatay at pangnanay na, walang makapipigil du’n.

Read more...