Muling lalakas ang naluluging tindahan

Sulat mula kay Tessie Matabao, Buenavistya, Agusan del Norte
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay isang single mom at mula nang iniwan ako ng mister ko ay naobliga na akong buhaying magisa ang dalawang naming anak. Sa kasalukuyan ay may tindahan naman ako na pinanggagalingan ng aming ikinabubuhay. Dati malakas ang tindahan ko pero nang maubos ang puhunan ko ay nakapangutang ako sa “five-six.” Simula noon hindi na ako makaahon-ahon pa sa mga pagkakautang. Sa palagay n’yo lalakas pa kaya ang tindahan namin at malalagyan ko kaya ito ng laman na hindi na galing sa utang? Sana maturuan n’yo ako ng paraan para mapaunlad ko uli ang aming buhay alang-alang sa dalawa kong mga anak na magha-high school na sa susunod na pasukan. October 14, 1981 ang birthday ko.

Umaasa,
Aloha ng Agusan del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Straight at maganda naman ang iyong Head Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, basta’t ituloy mo lang ng ituloy ang pagtitinda dahil sa takdang panahong inilaan ng kapalaran ay muli mong mapapalakas ang iyong tindahan. Ang mga taong may “straight head line” katulad mo ay yumayaman sa pagnenegosyo.

Cartomancy:
Ang King of Diamonds, Five of Hearts at Nine of Diamonds (Illustration 1.), ang nagsasabing isang mayamang lalaki na foreigner ang magkaka-gusto sa iyo at siya na ring magiging daan, upang muli kang magkaroon ng puhunan sa nalulugi mong tindahan.
Itutuloy

Read more...