Sarah napatawad na raw sina Gerald at Rayver, pero…

sarah geronimo

Okey na raw ang relasyon ni Sarah Geronimo sa dalawang ex-boyfriend niyang sina Gerald Anderson at Rayver Cruz. Pero tila hindi pa handa ang Pop Princess na makasama sa anumang proyekto ang dalawang aktor.

“Pero okay na kami ni Ge, okay na kami,” chika ni Sarah sa Gandang Gabi Vice noong Sunday.
Napatawad na rin daw ni Sarah si Rayver, “Okay na rin kami, okay na rin.”

Friends na ba sila uli? “A, sakto lang. Mahirap namang… ‘pag nagkikita kami, okay kami.” Sa tanong ni Vice kung pwede na silang magsama ni Rayver sa isang production number sa ASAP? “A, nahiya ako, e… pag-iisipan ko muna.”

Maligaya naman daw na ang singer-actress sa piling ng kanyang current boyfriend na si Matteo Guidicelli, but she admitted na like any other couple nagkakaroon din sila ng mga issue at problema sa kanilang relationship, “Hindi naman maiiwasan yung mga trials, pero okay kami.”

Read more...