Balitang hindi raw nagpapansinan ngayon at dedmahan lang ang dalawang aktor dahil sa mga naglalabasang tsismis tungkol sa kanila.
Nagsimula diumano ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa nang maglabasan ang mga chika na nauungusan na raw ni Paulo si Coco sa kanilang teleseryeng Walang Hanggan, ayon sa mga balita, mas nabibigyan daw kasi ngayon ng exposure si Paulo bilang Nathan kesa kay Coco na gumaganap bilang si Daniel.
Pero sa panayam kay Coco, nilinaw nito ang chikang nag-iisnaban sila ni Paulo sa set ng kanilang serye.
Hindi raw totoong naaapektuhan sila ng mga tsismis.
Maganda raw ang samahan nila sa set at lahat daw sila ay magkakaibigan. “Actually, nagpapasalamat po kami sa lahat ng sumusuporta sa Walang Hanggan at sana po hanggang sa huli ay suportahan nila kami dahil marami pa po kaming inihahanda para sa kanila.
“‘Yung sa amin ni Paulo, masaya kami dahil nagagampanan namin nang tama ang mga character namin.
At masaya kami kasi alam naming nagugustuhan ng mga manonood ang takbo ng aming kwento,” sabi ni Coco.
In fact, nagtutulungan pa nga raw sila ni Paulo sa mga eksena nila, “Lagi kaming nagse-share ng aming insights, kung paano gagawin mas maganda ang mga eksena namin.”
Sa tingin mo ano ang sikreto kung bakit kapit na kapit ang lahat sa Walang Hanggan?
“Sa tingin ko po dahil sa magandang konsepto, magandang kwento, at ‘yung mga kasama naming magagaling na artista sa teleserye,” tugon ni Coco.
Sino ang gusto mong makasama sa susunod mong proyekto? “Ako naman kasi depende sa konsepto.
Pero sana magkaroon ng pagkakataon na magkasama sama ulit kami nina Gerald (Anderson), Jake (Cuenca), at ‘yung mga dati kong nakasama sa Tayong Dalawa.
Para naman sa leading lady nila ni Paulo na si Julia Montes, malaki raw ang naitutulong ng kanilang mall show sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pagtaas pa ng rating ng Walang Hanggan.
“Sobrang saya ko dahil sobrang daming tao kahit na outdoors ‘yung venue, at kahit na naghihintay sila kanina kahit tirik ang araw.
Sobrang saya namin dahil ito ‘yung way namin para makapagpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa amin.
“Ang hirap nang i-explain ‘yung feeling na parang nag-e-effort ‘yung tao, na ‘yung time nila ibinibigay nila sa amin.
Hindi lang sa panonood kundi pati na rin ‘yung pagpunta nila dito para lang mapanood nila kami personally.
So iba talaga ‘yung feeling . Sobrang saya namin,” chika pa ni Julia.
Ano masasabi mo sa phenomenal success ng inyong serye?
“Sobrang masaya ako na napasama ako sa show na ito kasi unang-una hindi ko ineexpect na magiging ganito ‘yung feed back ng mga tao, lalong lalo na sa loveteam namin ni Coco.
Kaya sobrang dream-come-true itong show na ito para sa akin.”
Marami ang sumusuporta sa loveteam n’yo ni Coco, kung mabibigyan ka ng chance na magkaroon ng bagong katambal sa susunod mong project, sino ito?
“Hindi ko alam e, kasi hindi naman ako mapili. Basta gusto ko challenging uli ‘yung role.
Kung iba, okay lang, kung wala naman okay lang din.
Gusto kong ma-experience, ‘yung romantic-comedy, ‘yung medyo light love story.
Pero gusto ko pa rin ‘yung parang Walang Hanggan na deeply in love ‘yung character ko sa story.”
Ano pa ang dapat abangan sa Walang Hanggan? “Marami pa pong pasabog at marami pang nakaaantig na eksena.
Abangan po nila kung paano namin ipaglalaban ni Daniel ang pag-iibigan naming dalawa, paano namin matatakasan si Nathan at ang kanyang paghihiganti sa amin.”