ISANG 36-anyos na foreigner ang nagpositibo sa nakamamatay na Middle East Respiratory Syndrome (MERS), ayon sa Department of Health.
Sa isang press conference ngayong Lunes, sinabi ni Health Secretary Janette Garin ang pasyente, na ang nationality ay hindi muna tinukoy, ay naka-confine ngayon sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City dahil sa infected ito ng MERS.
Isa pang indibidwal na nagkaroon umano ng close contact sa pasyente ang binabantayan din ngayon at inilagay sa isolation sa nasabi ring ospital sa pangamba na maaari itong nahawa.
Ang unang kaso ng MERS na nakapasok sa bansa ay unang ipinaalam sa DoH noong Hulyo 4.
Isang Task Force ang nilikha para tuntunin ang may 200 na indibidwal na nakasakay ng foreigner sa eroplano.