Toni wala pang balak magpabuntis kay Paul: Baka 2016 o 2017 pa!

toni gonzaga

Samantala, sinabi ni Toni na wala pa silang balak magkaanak ni direk Paul Soriano this year kaya huwag daw mag-alala ang produksiyon ng kanilang serye na baka biglang hindi na naman ito matuloy kapag nabuntis siya.

“Siguro end of next year pa or next, next year pa. Hindi pa ngayon,” sey ni Toni. Magpa-family planning daw muna sila para mas mapaghandaan ang future ng kanilang magiging baby.

Pero ayon kay Toni, wala rin naman daw problema sa ABS-CBN kung sakaling magka-baby na sila ni direk Paul agad-agad, “Nag-meeting na kami before and after the wedding.

Nag-meeting na ako sa management. Mabait naman ang ABS, wala naman silang pressure na ibinibigay sa akin, kasi alam naman nilang nasa tamang edad.

“If it happens, it happens, as long as a contract artist, I have to fulfill ‘yung ibang duties ko na napirmahan ko na noon pa. Inu-honor ko naman ‘yun,” chika pa ng TV host-actress.

Nang matanong naman sina Sam at Piolo tungkol sa kanilang lovelife, chill lang daw sila. Sey ni Sam, meron daw siyang idine-date ngayon pero ayaw na muna niyang magdetalye.

Basta masaya raw siya ngayon both sa personal life at sa kanyang career.Pareho naman ng sagot sina Sam at Piolo sa tanong kung ano ang mas gusto nila, kasal muna bago anak o kabaligtaran – kasal daw muna bago anak.

Pero gusto raw ni PJ ng maraming anak.

— EAS

Read more...