Nahihiyang manligaw

Sulat mula kay Garry ng Matalava East, Lingayen, Pangasinan
Dear Sir Greenfield,
Hindi po ako nakatapos ng high school kaya umabot ako ng edad 34 na hindi nagkaka-girlfriend dahil nahihiya kasi akong manligaw. May trabaho naman ako sa ngayon bilang helper sa isang bakery at may crush po akong isang babae na kasamahan din namin dito sa tindahan. Sa ngayon po ay wala naman siyang boyfriend pero alam ko na may nanliligaw din siyang kasamahan ko din sa trabaho. Kung malalaman kaya niya ang damdamin ko, patulan kaya niya ako kahit hindi ako edukadong tao. Sabi niya kasi sa akin minsan nagkukuwentuhan kami, ang gusto niyang mapangasawa ay isang lalaking nakatapos ng pag-aaral. December 7, 1989 ang birthday ko at August 11, 1991 naman ag girl na balak kong ligawan.
Umaasa,
Garry ng Lingayen, Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang nakitang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung sino ang unang babae na pagtapatan mo agad-agad ng iyong pag-ibig, tiyak ang magaganap—siya na rin ang unang magiging girlfriend at makakasama habambuhay.
Cartomancy:
Ten of Hearts, Jack of Hearts at Ten of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Oktubre, basta’t lagi ka lang makipagkuwentuhan sa babaeng crush mo na may zodiac sign na Leo, tiyak ang magaganap – magugustuhan ka rin niya.
Itutuloy

Read more...