Herbert kay Kris: Naniniwala akong may forever sa pag-ibig!

herbert bautista

NANINIWALA si Mayor Herbert Bautista sa “forever”.

Kahapon sa episode ng morning show na Kris TV, diretsong sinabi ni Bistek na may forever din naman pagdating sa usaping pag-ibig.

“Mayroon. Mayroong forever,” ang paulit-ulit na pahayag nito habang nakatingin sa kanyang ex-girlfriend na si Kris Aquino.
Ito na ang simula ng pagiging regular co-host ni Herbert sa morning show ni Kris, nakasama rin nila sa nasabing episode ang komedyanang si K Brosas.

Nang tanungin naman si Kris kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Bistek, ang nasabi lang nito ay, “I’m not galit. I don’t have issues.” Si Bistek ang pumalit sa author-comedian na si Ramon Bautista bilang co-host ni Kris sa kanyang morning show.

Nakatakdang gumawa ng pelikula para sa 2015 Metro Manila Film Festival sina Herbert at Tetay, ang “Mr. And Mrs. Split” at marami ang nagsasabi na ang pagkuha sa alkalde ng Quezon City sa programa ni Kris ay bahagi raw ng paghahanda nito sa 2016 elections.

Ayon sa mga chika, tatakbo raw kasing senador si Bistek sa susunod na eleksyon. Ibinalita naman ni Kris na baka raw sa September na magsimula ang shooting nila ni Bistek para sa kanilang MMFF entry.

May kumalat na balita na binabalikan daw ni Bistek si Kris, pero may nag-suggest daw sa presidential sister na huwag na itong i-entertain at huwag nang paasahin.

Bastedin na raw niya agad para pareho na silang maka-move on. Baka raw kasi masira na naman ang diskarte niya sa buhay.

 

Read more...