Surigao niyanig ng Magnitude 6.1 lindol; aftershocks asahan na

visayasNiyanig ng lindol na may lakas na magnitude 6.1 ang Surigao del Norte kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Nagbabala ang Phivolcs na mga aftershock at ang pagkasira ng mga ari-arian.
Naramdaman ang lindol alas-2:43 ng hapon at ang sentro nito ay 47 kilometro sa silangan ng Burgos. May lalim itong 26 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagresulta ito sa Intesity V na paggalaw sa Surigao City; General Luna at Bucas Grande sa Surigao del Norte; Talacogon sa Agusan del Sur; at Carrascal, Surigao del Sur.
Intensity IV naman ang naramdaman sa Dinagat Island at Butuan City samantalang Intensity III sa Tandag, Surigao del Sur; Balanginga at Guiuan, Eastern Samar; San Juan, Hinunangan at St. Bernard, Southern Leyte; Tacloban City, Palo at Dulag, Leyte; Lapulapu City; Consolacion, Cebu; Gingoog, Misamis, Oriental; at Davao City.
Naramdaman naman ang Intensity II sa Bislig at Hinatuan, Surigao del Sur; Mambajao, Camiguin; Cagayan de Oro City; at Intensity I sa Polangco, Zamboanga del Norte; at Dipolog City.

Read more...