Ex-AFP personnel wagi ng P88M jackpot

lotto 6-49
Isang retiradong tauhan ng Armed Forces of the Philippines ang nag-uwi ng P88.7 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola noong Hunyo 25.
Ang nanalo ay 62 taong gulang, may-asawa at tatlong anak. Sila ay nakatira sa Pasay City.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 13-19-4-31-49-20 sa naturang bola.
Noong 1996 pa umano siya nagsimulang tumaya sa lotto. Nagkakahalaga ng P120 ang kanyang itinaya ng manalo.
Plano niyang ideposito ang kanyang nakapalunan sa bangko at bahagian ang kanyang mga anak.
Kinuha niya ang premyo kay PCSO Assistant General Manager for Gaming Sector Conrado Zabella sa main office ng charity agency sa Mandaluyong City.

Read more...