Ex-Senator panay konsulta sa feng shui experts para manalo

PARA matiyak na muli siyang makababalik sa Senado sa susunod na halalan ay kumukunsulta na sa mga Feng Shui experts pati na rin sa mga manghuhula ang isang dating mambabatas bilang bahagi ng preparas-yon niya sa 2016.

Ayon sa ating mistisong Cricket, hindi isa, hindi dalawa kundi tatlong mga eksperto sa pampa-swerte ang kinontrata ng dating senador para makasiguro na makakapasok siya sa listahan ng mga mananalo sa darating na eleksyon.
Bukod sa kulay ng mga damit, sari-saring mga lucky charms na rin ang binili ng politikong ito para raw maka-attract ng swerte.

Ipinabago na rin ng ating subject ang kulay ng bubungan ng kanyang malaking bahay para raw mas maging maganda ang pasok ng positive vibes sa kanilang pamilya.

Umiiwas na rin muna sa pagpunta sa mga ospital at sementeryo ang
ating bida para hindi raw siya kapitan ng mga black spirits o ng mga itinuturing na malas.

Alam n’yo ba na noon pa man ay kilala na si ex-Senator sa kanyang pagi-ging mapamahiin?

Patunay dyan ay pinalitan pa nya ang pintuan ng kanyang dating opisina sa Senado para makaiwas daw siya at ang kanyang mga tauhan sa kamalasan.

Pati sa pagkuha ng mga staff ay nangi-ngibabaw pa rin ang payo ng kanyang mga manghuhulang advisers.

Hindi nya binabasa ang resumé ng kanyang mga aplikante kundi ang aura ng mukha sa pictures ng mga ito.

Kinda weird di ba? pero ganito talaga ang batayan ng dating mambabatas na ito sa pagpili ng kanyang makakasama sa kanyang team.

Hindi naman problema ang pera sa pagtakbo niya sa eleksyon dahil halos nakuha na raw nya ang bahagi ng kanyang mana mula sa kanilang mayamang angkan.

Ang dating mambabatas na kumuha ng serbisyo ng mga mahusay mag-attract ng swerte na gagamitin nya sa 2016 elections ay si dating Senator M.J….as in Medyo Jolly.

Read more...