Kris binabalikan ni Bistek, pinayuhang pahirapan si mayor

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

Nagsimula nang gumiling ang kamera para sa pelikulang “Etiquette Of Mistresses” na pagbibidahan nina Kris Aquino, Kim Chiu, Iza Calzado at ang nagbabalik Kapamilya na si Claudine Barretto.

Ayon sa direktor ng pelikula na si Chito Roño nakaisang araw pa lang siya ng shoot. Kinunan lang daw niya ‘yung mga artista niya para sa mga gagamiting props sa movie.

Kapag nagkataon dalawang pelikula ang sabay na gagawin ni Kris this year. Yung movie nila ni Bistek para sa 2015 MMFF, ang “Mr. And Mrs. Split” at ito ngang “Etiquette Of Mistresses”.

It’s possible na anytime this month ay magsimula na rin ang shooting ng KrisTek tandem. Mukhang okey na naman ang relasyon ng dalawa as friends.

Napanood namin ang isang episode ng Kris TV kung saan pinayuhan daw siya ng mga asawang lalaki ng mga kaibigan niyang babaeng mayor tungkol sa nakikipagbati na ex niya.

Of course, isa lang naman ang pwedeng sumagi sa isipan ng mga nakapanood kay Kris that time, and that’s none other than Mayor Herbert. Payo raw sa kanya, pahirapan niya ‘yung nanliligaw ulit sa kanya. Or worst, bastedin na lang daw ni Kris.

Pero sa tono ni Kris that time, parang mas feel niya na pahirapan muna kung sinuman ‘yung tinutukoy niya na nagbabalik sa panunuyo sa kanya.

Read more...