Nakausap na kahapon nang personal ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas si Jiro Manio. Masasabi niyang medyo okay na ang kundisyon nito matapos makipag-usap sa isang psychiatrist bago umuwi mula sa NAIA.
Sey ng komedyana ayaw na raw pag-usapan ni Jiro ang tungkol sa pagkasira ng kanyang buhay.
Sabi ni Ai Ai nag-promise siya sa kanyang anaka-anakan na handa niyang gawin ang lahat para maibalik sa normal ang buhay ng binatang ama na naging close sa kanya noong gawin nila ang pelikulang “Ang Tanging Ina” mula part 1 hanggang part 3).
Sa kanyang social media account sinabi ni Ai Ai na, “Gusto ko lang ibalita na ok siya at sisiguraduhin kong mas MAGIGING OK PA SIYA.” Kasabay nito ang pakiusap ng komedyana sa mga basher na huwag na munang husgahan si Jiro.
“Hindi niya kailangan yun ngayon. Ang kailangan niya ay tunay na tulong mula sa mga totoong tao,” ani Ai Ai. Kung papayag daw ang pamilya ni Hiro, handa rin daw siyang dalhin nang personal ang aktor sa rehabilitation facilities o ospital.
Kahapon, muling nag-post ng message ang Comedy Queen sa Instagram, aniya, “We don’t meet people by accident, they are meant to cross our path for a reason. I may not be your biological mom, But I’ll try to help you the very best way I can.”