SINABI ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na umaasa siya sa milagro, isang taon matapos niyang ihayag na siya ay may stage 4 lung cancer.
Sa kanyang pahayag sa kanyang Facebook page kahpon, nanawagan si Santiago na siya ay ipagdasal para siya gumaling sa kanyang sakit.
“I announced that I had lung cancer, stage four, exactly a year ago today. Please continue to pray with me and all cancer patients, as we vanquish this disease. #MiriamFight #HugsForMiriam #ThrowbackThursday,” sabi ng kanyang post.
Nag-post din siya ng “cancer miracle prayer for Miriam” sa pamamagitan ni St. Peregrine.
Si St. Peregrine ang patron saint para sa mga pasyenteng may cancer.
Sa kanyang mga naunang panayam, sinabi ni Santiago na maayos naman siya sa kanyang medikasyon.
Inilabas sa merkado ang ikalawang libro ni Santiago ‘Stupid is Forevermore’ noong nakaraang buwan.