Now, we have a clearer picture kung bakit tinanggihan ni Regine Velasquez ang talk show na pagsasamahan dapat nila nina Ai Ai delas Alas at Marian Something.
When somebody told na na si Regine ang umayaw sa project, hindi kami kaagad naniwala. Why would she do that? We felt na the Songbird is a good soldier at gagawin nito ang lahat ng ibibigay sa kanyang project ng Siyete.
But the chismis pala is true. Inayawan pala talaga ni Regine ang talk show. But it was for a VERY good reason. Apparently, the talk show pala is the replacement sa Sunday All Stars show ng network.
This means na maraming madi-displace na celebrities and workers kapag natuloy ang pagtsugi sa SAS. Rumors have it na nasa chopping board na ang SAS dahil malaki ang budget nito.
Marami ang nanghihinayan na kung kailan pa pumi-pick up ang show ay saka naman ito tsutsugihin.Ang chika, malaki na ang nalulugi sa network dahil hindi na nagre-rate ang karamihan sa mga shows ng Siyete.
Hindi rin naman napakarami ng ads na pumapasok sa SAS so ang feeling siguro ng management ay kailangan itong isakripisyo.
Kung tsutsugihin ang SAS at ipapalit ang talk show nina Ai Ai and Marian, makakatipid nang husto ang network.Kaya lang, Regine felt that marami ang mawawalan ng trabaho, most of them singers like her.
Isa pa, mawawalan na rin siya ng venue to showcase her singing talent.