‘Hindi naman baliw si Jiro Manio, kailangan lang niya ng kaibigan!’

jiro

In fairness to our dear friend Jiro Manio, hindi naman siya mukhang ligaw talaga sa ipinalabas na interview sa kaniya ni kaibigang Jeff Fernando for ABS-CBN sa Terminal 3 ng NAIA.

Malalim ang mga sagot ni Jiro, mga one-liners na may lamang kurot sa puso. Nang tanungin siya about his being an actor, malalim ang sinabi niyang “hindi naman ako artista eh. Pinasyalan ko lang ang showbiz”.

Jiro is a real genuine talent na talagang nakakapanghinayang. My gosh, hindi lang walong beses ko yata pinanood ang old film niyang “Magnigico” and everytime na napapanood ko iyon, iyak pa rin ako nang iyak.

Ganoon ka-natural at kahusay umarte ng batang ito kaya hinayang na hinayang kami sa kinahinatnan ng buhay at karera niya. Obviously, Jiro just want some privacy – meron lang talaga siyang problema sa ngayon, sa family niya and maaaring sa sarili rin niya.

Kaya nakiusap siya sa mga nag-interbyu na tama na – kung ano raw ba ang gusto talaga nilang malaman of him. May pagkabagot siya nang konti pero understandable. He is searching for himself kumbaga.

Nang tanungin siya kung ano raw ba ang ginagawa niya sa airport, sinabi lang niyang wala siyang ibang puwedeng puntahan. Pero aalis naman daw siya ngunit hindi lang malinaw kung saan siya pupunta.

Dasal lang namin ay huwag sana siyang mapariwara pa. He doesn’t deserve this kind of life. Balitang sinundo na siya kahapon ng kanyang kapatid sa NAIA Terminal 3 at nakauwi na rin daw sa kanilang bahay.

And yes, he badly needs help kaya lang, ang malaking tanong, is he willing to cooperate? Hindi naman siya mentally deranged, he just needs a friend here. Someone na makakaunawa sa kaniya at tunay na magmamahal sa kaniya.

Read more...