Angel inatake ng dating sakit sa likod

By Reggee Bonoan July 02,2015
share this

Angel inatake ng dating sakit sa likod

By Reggee Bonoan July 02,2015
share this

angel locsin

ANO kaya ang resulta ng check-up ni Angel Locsin sa kanyang slipped disk?

Sana okay na para makapag-shoot na sila ni Gov. Vilma Santos-Recto na nakatakda namang dumating sa Hulyo 6 galing sa bakasyon sa ibang bansa.

Ayon sa direktor ng pelikula ng dalawang aktres na si Binibining Joyce Bernal, “Kailangan ko ng umpisahang mag-shoot ngayong July kasi limited lang ang time ni Ate Vi, alam ko pabalik na siya ng July 6, supposedly July 4 nakunan ko na si Angel.”

Ilang beses na-pack up ang shooting ni Angel dahil sa pananakit ng likod at nu’ng nagpatingin siya ay sanhi nga ito ng kanyang slipped disk na nakuha niya noong nahulog siya sa kabayo sa shooting ng pelikula nila ni Piolo Pascual na “Love Me Again” taong 2008.

At dahil hindi pa maumpisahan ang pelikula sa Star Cinema ay tumanggap na raw ng TV project si Joyce sa Siyete. “Yung sa GMA, kailangan ko nang gawin din kasi nakakontrata ako sa kanila, storycon ko nga ngayon (kahapon), sina Jennylyn (Mercado) at Dennis (Trillo) ang mga artista ko,” kuwento ni direk.

“Check-up ni Angel today (kahapon) para sa slipped disk niya, so depende sa result ng check up niya kung puwede na siyang mag-shoot. Sana nga okay na para resume na kami.

“Pero kung hindi, matatagalan pa, kasi mahirap ‘yung lagay niya, hindi siya puwedeng nakatayo ng more than an hour at hindi rin puwedeng nakaupo ng mahigit isang oras. E, hindi naman pupuwede ‘yun kasi di ba, alam mo naman sa shooting, so might as well mag-rest na lang talaga muna siya,” ani direk.

True ba na nagkomento ang direktor na kaya nag-trigger ang slipped disk ni Angel ay dahil sa kaaakyat nito ng bundok? Lumabas pang nagsasakit-sakitan lang ang aktres pero panay naman daw ang mountain climbing.

Kaagad itong kinlaro ni Joyce, “Ah, ang sabi ko, kaya siguro nag-trigger ang slipped disk niya kasi umakyat siya ng bundok, nasabi ko yata iyon sa presscon nina Piolo (Pascual) at Sarah (Geronimo).

Pero wala akong sinabi na, ‘Maysakit ba yun, e, panay ang akyat ng bundok?’ Walang ganu’n.” Anu-anong eksena na ba ang nakunan ni direk kina Angel at Gov. Vi, “Yung kay Angel, ano lang, tracking lang na nakasakay siya sa jeep, tapos si ate Vi, look test lang, photo shoot, so okay na.

Si Xian Lim naman wala pa kasi nag-i-immerse pa siya sa isang firm, kasi he will play an architect sa movie na Inglisero.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending