P16M jackpot sa Super Lotto 6/49 nakuha sa QC

lotto 6-49
Sa Quezon City tumaya ang nanalo ng P16 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola noong Martes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa Maginoo st., Brgy. Central.
Isa lang ang nakakuha sa mga lumabas na numerong 42-05-32-11-24-21. Umabot sa P17.1 milyon ang itinaya sa naturang bola.
Sa bawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa operasyon ng lotto.
Nanalo naman ng tig-P22,590 ang 38 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P610 naman ang 1,112 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya (P20) ang 17,855 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...