ISANG kaanak ni Jiro Manio na nangangalang Jennifer Dyan Manio Enaje, ang nag-post ng mensahe sa kanyang Facebook account tungkol sa kundisyon ng dating aktor.
“Nakakalungkot malaman na nakita daw siya sa airport na pagala-gala at tulala. “Umalis po siya dito sa bahay namin nung Sabado ng gabi at ‘di na bumalik, hanggang sa nabalitaan na lang namin dito sa FB na nasa airport po pala siya.
“Tingin po namin ay dumadaan po siya sa matinding depression dahil kahit po andito pa siya sa amin ay ‘di po namin siya makausap nang maayos. Lagi po siyang tulala at galit.
“Gustuhin man po namin siyang ipagamot, kapos din naman po kami. Kaya taus-puso po sana kaming humihingi ng tulong para po maipagamot na namin siya at nang ‘di na po lumala ang kanyang kundisyon.”
May nakapagsabi naman sa amin na posibleng nag-ugat ang sobrang depresyon ni Jiro nang talikuran na siya ng kanyang lola at kapatid na naninirahan na ngayon nasa Japan. Bukod pa nga iyan sa sinasabing tampuhan nila ng kanyang foster father na si Andrew Manio.
Unang napaulat na nakita si Jiro na palaboy-laboy sa NAIA Terminal3 at gutom na gutom at madusing. Nakakakain lang umano ito dahil sa mga nagmamagandang loob na mga empleyado at byahero.
MOST READ
LATEST STORIES