Libreng dialysis

ANG aking ama ay may diabetes at nagkaroon ng kumplikasyon sa kidney. Isa na rin po siyang senior citizens. Dahil sa kanyang kidney problem ay kinakailangan na niyang sumailalim sa dialysis. Gusto ko lang po na itanong ang tungkol sa programa ng Philhealth sa sakit ng aking ama.

Medyo mahal din ang pagpapa-dialysis lalo’t kinakailangan na etong regular na gawin. Umaasa ako na agad na matugunan ang aking katanungan.
Albert Francisco

REPLY: Saklaw ng Philhealth coverage para sa mga miyembro nito at dependents ang hemodialysis para sa mga may kidney disease.

At ang magandang balita nito, mula 45 sessions kada taon na libreng ipinagkakaloob para sa mga Philhealth members ay ginawa na itong 90 sessions per week. Layunin nito ay upang mabawasan ang gastusin ng mga miyembro para sa kanilang treatment

Inaprubahan ng Philhealth Board of Directors ang pagpapalawig ng programa bunsod na rin ng paglaki ng bilang ng mga may kidney disease at base na rin sa kahilingan na palawigin pa ang saklaw ng hemodialysis.

Bagaman binawasan ang kasalukuyang coverage na P4,000 sa baw’t session ay ginawa na lamang itong P2,500 ngunit dinagdagan naman ng 90 araw ang session mula sa dating 45 sessions lamang na mas malaking ginhawa para sa mga sumasailalim sa kidney treatment.

Sa pamamagitan nito, makatitiyak na ng mas mahabang session ang mga Philhealth members at kanilang mga kwalipikadong dependents na nangangailangan ng dialysis treament, kasama na ang payment para sa facilities gayundin ang professional fees ng attending physicians ang P2,500 per session Philhealth coverage.

Base sa records ng Philhealth noong 2014, ang hemodialysis ang pinakamaraming nag avail na kung saan umabot sa 691,489 ang procedures na may total benefit payment na P4,666,806,642

Ang mga Philhealth members ay maaaring makapag-avail ng benefit package sa alinmang accredited Free Standing Dialysis Centers at hospitals sa buong bansa

Israel Francis A
. Pargas, M.D.
OIC-Vice President for Corporate Affairs
Philhealth

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...