Sheena tanggap na rin ang mga tomboy

sheena halili
ANG Kapuso actress na si Sheena Halili ang gumaganap na Sally, ang “kikay” at dependable best friend ni Jade (Rhian Ramos) sa The Rich Man’s Daughter.

At para sa kanya kung mangyayari sa totoong buhay na malaman niya na ang best friend niya ay isang lesbian, magugulat daw ito at kung ano ang naging reaction ni Sally sa naipalabas sa isang episode ay pareho lang ang magiging reaction niya sa totoong buhay.

“Best friend eh, so sa tingin ko kailangan malaman niya yung mga dapat niyang malaman. Hindi ko rin naman masisi kung ako yung nasa sitwasyon na yun, may mga bagay ka kasi talaga na ki-ni-keep mo sa sarili mo na natatakot kang aminin.

“Siguro kailangan lang din ng time para maintindihan ko katulad nga lang din ng nangyari sa story ni Sally at ni Jade. Pero ma-accept ko pa rin naman siya kasi best friend ko siya eh.

Hindi naman dun mage-end yung friendship,” saad niya. Tulad ng ibang cast, marami ring natutunan si Sheena habang ginagawa ang serye. “Ako naman, yung mga tao hindi naman nila jina-judge yung paniniwala ko so wala rin akong karapatang i-judge yung paniniwala ng ibang tao at wala ako sa posisyon para sabihin sa kanila kung ano ang tamang gawin.

“Kasi darating talaga ang panahon na gagawin mo yung bagay na feeling mo tama para sayo, pero darating yung time na malalaman mo kung ano talaga yung tama.”

Pagdating sa kwento at sa karakter ni Sally, marami ang dapat abangan lalo na ang love story nila ni Paul (Mike Tan). Huwag palampasin ang The Rich Man’s Daughter gabi-gabi pagkatapos ng Let The Love Begin sa GMA Telebabad.

Read more...