Ayaw pakasalan

Hello Manang,

Miss Taurus na lang po ang itawag ninyo sa akin, 24-years-old ako at taga-Quezon Province.

Manang, payuhan ninyo ako sa problema ko. May asawa’t anak na po kami ng kinakasama ko.

Six years na po kami pero parang ayaw niya akong pakasalan.

Ngayon po ay gusto naman niya na magkaanak kami. Natatakot naman ako sa mangyayari dahil hindi po niya kayang bumukod. Doon kami sa nanay niya nakikitira. Ang totoo, di niya kayang mabuhay nang wala ang nanay at tatay niya.

Ano po ang gagawin ko? Nahihirapan na po ako sa sitwasyon. Sana po bigyan nyo ako ng payo.

Miss Taurus

Isang nagbabagang araw sa iyo, Ms. Taurus ng Quezon.

Wow, ramdam ko hanggang dito ang hirap na pinagdadaanan mo, my dear. Hindi nga madali ang sitwasyong kinalalagyan mo.

So six years na kayo at may anak na pero hindi pa kasal at nakikitira sa kanyang mga magulang?

Isa pa’y gusto na niyang magka-anak uli? Isa-isahin natin okay?

Tungkol sa kasal, wala bang indikasyon o napag-usapan n’yo ba ang tungkol dito? Alam ba niya na gusto mo ng kasal o ine-expect mo lang ito sa kanya?

My dear, walang masama kung tanungin mo ang saloobin niya tungkol dito. Ang manang mo ay naniniwalang hindi lamang kasal ang pagpapatunay nang tunay na pagmamahal. May iba diyan pinakasalan nga pero niloloko naman, ‘di ba?

So I think, ask him about this so you can get your answer dahil kung mahal ka niya at nasabi mo na importante ito sa iyo, then he should do something about it.

Yung tungkol sa hindi pa ninyo pagbukod sa mga magulang nya ay baka kinakailangan mo rin itong itanong sa kanya.

Ito ba ay nanggaling sa kanya o obserbasyon mo lamang? Naitanong mo na ba sa kanya kung anung dahilan at hindi pa kayo bumubukod? Ipon ba ang kailangan? Ano kaya ang
dahilan?

Again, talk to him about this para malaman mo kung ano ang nasa isip o ang binabalak niya. Give him the benefit of the doubt.

Kapag nasabi na niya sa iyo ang dahilan then, yun ang oras na pwede mong sabihin ang opinyon mo tungkol dito.

Lastly, ang pag-aanak uli—naku, ikaw ang makakapagdesisyon nito, my dear. Katawan mo yan, at kinabukasan ng anak n’yo ang nakataya rito. Kaya n’yo ba itong tustusan? Nasa plano ba ninyo ang isa pang anak?

Dapat siguro ay kausapin nang maigi si jowa. Aba, hindi biro ang pag-aanak ha! Kaya nga hindi ko maintindihan yung parang pabrika lang kung manganak e. Tamang iniisip mo din ang magiging kalagayan n’yo after. At may mga unresolved issues pa nga na kailangang pag-usapan kaya I sugggest do this muna.

Walang masama kung pag-uusapan ang mga bagay na mahalaga para sa iyo nang maging matatag ang inyong relasyon. Sikaping maging “open” at “honest”. Try mo at sabihan mo after, okay?

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...