Karahasan sumiklab matapos isilbi ng DILG ang suspension order vs Mayor Binay

junjun binay
SUMIKLAB kahapon ang karahasan sa Makati City Hall matapos isilbi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang suspensiyon laban kay Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay.

Hindi pinayagan ang mga opisyal ng DILG na nagsilbi ng suspensiyon na makapasok kayat ipinaskel na lamang ito sa pasukan ng city hall.

Nagsimula naman ang tensiyon nang hagisan ang mga pulis ng mga bote ng tubig at mga silya ng mga tagasuporta ni Binay.

Sa ulat ng Radyo Inquirer, umabot sa walo katao ang nasaktan sa insidente, kabilang na ang pulis.

Nauna nang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga pulis at empleyado ng Makati City Hall nang hindi naman papasukin sa kanilang opisina ang mga kawani.

Libo-libong mga tagasuporta ni Binay ang sumugod sa city hall simula pa noong Lunes matapos namang maglabas ang Ombudsman ng ikalawang suspensiyon laban sa mayor kaugnay ng umano’y overpriced na Makati City Science High School.

Nananatili naman si Binay sa kanyang opisina matapos tumangging kilalanin ang suspensiyon.

Read more...