‘I Feel Good’ ni DJ Gold Record agad; hataw na sa singing, improving pa ang acting

June 29,2015
share this

‘I Feel Good’ ni DJ Gold Record agad; hataw na sa singing, improving pa ang acting

June 29,2015
share this

GINAWARAN  agad ng Gold Record award ang bagong album ni Daniel Padilla.

Sa loob lang ng halos isang linggo mula nang i-release ang “I Feel Good” ng Teen King sa mga record bar, umabot na agad ito sa gold record status.

Sa ASAP last Sunday pormal na tinanggap ni DJ ang kanyang award mula mismo sa mga bossing ng Star Music na siyang nag-produce ng kanyang ikaapat na studio album na may lamang 10 tracks, kabilang na riyan ang theme song ng teleserye nila ni Kathryn Bernardo na Pangako Sa ‘Yo.

Hindi na rin kami magtataka kung umabot pa sa double o triple platinum status ang album ni Daniel dahil sa tindi ng suporta sa kanya ng fans nila ni Kathryn. Tsaka in fairness ha, narinig na namin ang ilang kanta sa album ni Daniel at naniwala na kami sa sinabi niya na ibang-iba talaga ang atake niya sa bawat song na ni-revive niya.

Samantala, patuloy pa rin sa paghataw sa ratings game ang Pangako Sa ‘Yo ng KathNiel, mula noong magsimula ito sa ere hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatalo sa laban. Bukod diyan, gabi-gabi pa ring nagte-trending ang mga pasabog na eksena sa programa lalo na kapag nagkakaeksena na sina Kathryn at Daniel.

In fairness, napakalaki na talaga ng improvement sa akting ng Teen King & Queen. Mas ramdam mo na ang bawat eksena nila, mas nakaka-relate na ang mga manonood sa batuhan nila ng dialogue.

At siyempre, ngayon pa lang ay excited na ang viewers sa paglabas ng bagong ka-love triangle nina Kathryn at DJ sa Pangako Sa ‘Yo, ang karakter ni Bea Bianca na gagampanan ng fresh na fresh na Kapamilya talent na si Sarah Carlos.

Siya ang bubuhay sa karakter noon ng TV host-actress na si Vanessa del Bianco. Talaga raw pumila sa audition si Sarah at sinuwerte namang mapili sa mahigit 200 girls na nag-try makapasok sa nangungunang serye ng ABS-CBN.

Ayon kay Sarah, handang-handa na siyang sumabak sa pag-aartista at ready na rin siya sa pamba-bash ng KathNiel kapag ipinalabas na ang mga eksena niya sa serye. Bukod sa pagiging panggulo sa loveteam nina Kath at DJ, palaban din sa pagpapaseksi ang tisay na dalaga dahil pumayag itong mag-two piece sa ilang eksenang nakatakda niyang gawin sa Pangako Sa ‘Yo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending