Jaclyn sumuko sa away nila ni Andi:I love you anak!

jacklyn jose

Mukhang si Jaclyn Jose na ang sumuko sa napapabalitang away nila ng kanyang anak na si Andi Eigenmann. Ilang taon nang natsitsismis na may hindi pagkakaunawaan ang mag-ina kaya hindi sila nag-uusap.

Very open kasi si Jaclyn sa pagsasalita tungkol sa lovelife ni Andi, kapag hindi niya feel ang lalaking nali-link sa anak ay talagang sinasabi niya nang diretso.

Pero nitong huli nga, ay parang napagod na rin ang award-winning aktres sa pakikialam sa personal life ni Andi kaya tumigil na rin siya sa kakabigay ng advice sa anak.

At kamakailan nga ay ibinandera ni Jaclyn sa madlang pipol kung gaano niya kamahal ang anak. Naging emosyonal ito sa pagbibigay niya ng birthday greeting kay Andi who just turned 25 last June 25.

Sa kanyang Instagram account idinaan ni Jaclyn ang kanyang pagbati kay Andi, nag-post siya ng lumang litrato kung saan kalong niya ang anak noong bata pa ito.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Ang bilis ng panahon . You are now 25 with so much accomplishment. And you gave me pa the happiness of my everyday life Ellie. I thank God for having you in my life.

I love you dearly. Happy Birthday my daughter. God Bless you and guide you all the time.”

Read more...