2 gwapong bagets sa PBB may bromance na namamagitan

pbb

GUMAGAWA ng ingay sa loob ng Pinoy Big Brother house ang dalawang kabataang lalaki dahil sa pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Inaakala ng maraming viewers ngayon ng PBB 737 na may namamagitan ang “something” sa pagitan ng dalawang bagets. Ang tinutukoy namin ay sina Kenzo Gutierrez at Bailey May Thomas.

Laging trending ang “bromance” drama ng dalawa sa loob ng Bahay ni Kuya, lalo na kapag nagyayakapan at nagho-holding hands sila na parang magdyowa.

Meron pa nga silang eksena sa swimming pool na akala mo’y magchuchurvahan na! Ha-hahaha!  Kung may natutuwa sa mga eksena nina Kenzo at Bailey sa PBB, meron ding nagsasabi na dapat daw ay palayasin na ang dalawa sa Bahay ni Kuya dahil sa mga pinaggagawa nila.

Hindi raw magandang impluwensiya sa mga kabataan ang emote ng dalawang bagets. Meron namang nagsasabi na tila scripted daw ang “bromance” nina Bailey at Kenzo, ito’y para tumaas pa ang rating ng programa at manatiling trending topic sa Twitter.

May nagsabi kasi sa amin na straight na straight naman ang Atenistang si Kenzo na nababalita ring naging boyfriend noon ni Julia Barretto. Ang hindi lang sure ng aming source kung lalaking-lalaki rin itong foreigner na si Bailey o may bahid din ng pagkabeki.

In fairness, ngayon pa lang ay sikat na sikat na ang bagets lalo na sa mga girls and gays.Samantala, sa interview ng ABS-CBN sa resident psychologist ng PBB, sinabi nitong hindi naman porke malapit sa isa’t isa sina Bailey at Kenzo ay mga bading na sila.

Anito, “it’s more about brotherly love, a deep friendship between two males.” “Yung housemates they get lonely and they want to get the affection from each other para masuportahan nila ang isa’t isa.

So that’s one reason why they become touchy and emotional,” paliwanag ni Dr. Randy Dellosa. Aniya, dahil nga pareho silang only son sa kani-kanilang pamilya, sabik na sabik silang magkaroon ng kapatid na lalaki.

Ipinaliwanag din ni Dr. Dellosa ang tungkol sa “gender expectations.” “This is one way to educate na nagbabago ang gender expectations at gender roles sa culture natin ngayon.

Kung dati eh ang lalaki dapat tough, rough at emotionless, ngayon we have to be in touch with both our male and female sides,” sabi ng psychologist.

 

Read more...