Wish ni Erich kay Daniel: Sana di ka magbago, para sa akin perfect ka!!!

erich gonzales

FEELING ko naman totoong nagmamahalan sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales contrary sa mga nababasa naming komento ng ilang netizens na naggagamitan at naglolokohan lang ang dalawang Kapamilya stars.

Napanood namin ng ikalawang bahagi ng tell all interview nina Daniel at Erich sa Kris TV noong Biyernes at ramdam naman namin na talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Pero ang napansin namin, base sa tinginan at body language nila, parang si Erich talaga ang baliw na baliw kay Daniel. Anyway, nagpalitan ng “I love you” ang dalawa sa Kris TV, “I love you because you are everything and you put meaning in my life,” sey ni Daniel.

Sabi naman ni Erich, “I love you because I just do. No reasons, you are God’s greatest blessing to me.” Nang tanungin kung ano ang ipinagdarasal nila pagdating sa kanilang relasyon, pareho ng sagot ang magdyowa – sana ay tumagal nang matagal na matagal ang kanilang love story.

“For her, I pray that we will always be together as we are today, that she will never get sawa of me,” chika ng Brapanese model. Chika naman ni Erich, “For our relationship, siyempre for God to be at the center of it.

Na no matter what happens, makakaya namin kasi nandiyan ang Diyos sa gitna ng lahat. I pray that you won’t change kasi there’s nothing about you na gusto kong magbago. I mean nobody’s perfect, but you are perfect for me.”

 

Read more...