Pantay na karapatan ng LGBT titiyakin

Gay Pride Photo GalleryInaprubahan ng House committee on women and gender equality ang panukala na naglalayong tiyakin na pantay ang pagtrato sa mga bisexual, homosexual at heterosexual sa bansa.
Ayon kay AAMBIS-Owa Rep. Sharon Garin ipagbabawal ng House bill 5687 ang diskriminasyon sa dahil sa sex, sexual orientation o gender identity (SOGI) sa mga trabaho at naghahanap ng trabaho.
Ipagbabawal din ang hindi pagtanggap o pagpatalsik sa estudyante sa anumang educational institution dahil dito. Gayundin ang hindi pagtanggap sa kanila sa mga ospital.
“It is a basic right of every person, whether they are bisexual, homosexual, or heterosexual, to be free from any form of discrimination. As a representative of a marginalized group in Congress and as a woman, I support House Bill 5687 and I push for equal opportunity for all,” ani Garin.
Ang mga miyembro ng third sex ay hindi rin maaaring pagbawalan na kumuha ng lisensya o clearance sa gobyerno dahil sa kanilang kasarian.
Ayon sa panukala, ang mga kaso ng mga miyembro ng third sex na may kinalaman sa diskriminasyon ay hahawakan ng Women’s and Children’s Desk sa mga istasyon ng pulisya.
Upang maging epektibo, ang mga pulis na ito ay sasailalim sa pagsasanay at seminars para matiyak na batid nila ang mga karapatang ibinibigay sa mga miyembro ng third sex.
Ang mga lalabag sa panukalang Anti-SOGI Discrimination Act ay pagmumultahn ng hindi bababa sa P100,000 at kulong na mula isa hanggang anim na taon.

Read more...