Michael, Edgar Allan bibida ‘Pare mahal mo raw ako: The Movie’

edgar allan guzman

I’D LIKE to thank everyone who joined us sa “Command And Request” concert ng alaga kong si Prima Diva Billy sa Music Box the other night. We truly had a blast. Kumpleto ang tatlong mga anak ko – sina Prima Diva Billy, Nikko Seagal and Michael Pangilinan sa event.

Guest ni Billy sina Pangga Duncan Ramos, Michael, Boobsie Wonderland, Super Pao and anak-anakang Gladys Guevarra with my other baby Ivan Lee Espinosa as their musical director on keys.

Nanood lang si Nikko at tumulong sa akin sa show. Full-packed ang venue. Some of our dear friends and sponsors came to watch the show kahit sobrang traffic on a Friday night.

Nandoon sina Papa Neal Gonzales, ang mahal kong couple na sina Nixon and Adela Teng with their children along with Joey Teng too and friends. Dumating din ang matriarch ng Hannah’s Beach resort na si Mommy Nolasco.

In full force ang mga taga-Aficionado Germany Perfume. Dumating din si Biliran Mayor Lorenz Reveldez with friend Robin Robel of Masculados, and many others.

Humabol din ang dalawa ko pang babies na sina Ms. Earth-Philippines 2013 Angelee delos Reyes with super guwapong actor ng Piring na si Yuseff Estevez.

It’s also good to see our dear friend Fr. Rollie Villanueva who came all the way from Mindoro just to watch the concert. Mukhang nag-enjoy din sa table nila sina Boss Wawi de Dios and Dan Josh, may-ari ng Music Box. Thanks Boss Wawi ha.

Dumating din ang mahal nating mga kaibigang sina Ronald Carballo and direk Ces Evangelista. Siyempre, full support ang asawa ni Prima Diva Billy na si Hanni Mendoza na galing din sa biyahe abroad – sa barko naman siya nag-work.

Timing lang din ang uwi niya sa pagbalik ni Billy from Dubai. Nakatutok din ang pamangkin kong si Douglas Brocklehurst sa show coz he is the road manager of Michael.

Nag-enjoy din ang pinsan kong si Nang Miling kasama ang tatlong magaganda naming mga apo. Ang sikat na show producer na si Roel Caba of the Philippines came with superstar stand-up comic na si Ady Siwa and dear friend Edgar Gomez na kasama ang maganda at mahusay na singer na si Stef. Galing ng batang ito.

Ang babait ng mga kasamahan natin sa panulat like Richard Pinlac siyempre na punong-abala kasama nina Boy Romero, Julie Bonifacio, Roel (RK) Villacorta, Leo (Lykaboo) Bukas, Throy Catan, Rommel Placente, Mildred Bacud, Mona Patubo, who else?

Ang anak ko namang si Gladys Guevarra ay di sana sasampa because she was advised by her doctors na maaga matulog dahil meron siyang biritan show sa Eat Bulaga pero nu’ng dumating siya para magpakita lang sana, hindi na rin ito napigilan at nakipag-showdown pa kay Billy.

Revelation din itong si Super Pao who did a Celine Dion. Michael P. is Michael P. Iba na talaga ang confidence ni bagets – mature na talaga siya sa stage. Napakasarap na niyang panoorin and very loving kay Ate Billy niya.

I feel so blessed dahil biniyayaan ako ni Lord ng tatlong mababait at mapagmahal na mga alaga. Siyempre, kung may kasiyahan kaming mag-iina last night, we look forward to missing Prima Diva Billy again dahil babalik na siya sa Dubai come July 12 and January, 2016 pa ang uwi niya
rito.
Sad na naman kami dahil mapapalayo na naman ang panganay kong anak dahil nakakontrata siya as a vocalist sa isang band sa Club Seven doon.

But this early ay marami nang nangongontrata sa amin for next year’s election campaign kaya kailangan talagang umuwi ni Billy. Sayang ang mga raket, di ba? Plus the fact that she will finally wax her own album next year.

Si Nikko Seagal ay katatapos lang mag-shoot ng indie movie “Iglap” sa direksiyon ni kaibigang Neil Buboy Tan and has also started shooting some scenes para sa “Pare, Mahal Mo Raw Ako (The Movie)” under Direk Joven Tan.

Pagbibidahan ito ni Michael Pangilinan with Edgar Allan Guzman playing his gay best friend sa movie. Nikko goes to Asingan, Pangasinan tomorrow for a week-long workshop and rehearsals para sa gagawin naman niyang play na ipapalabas sa more than 100 stages until December of this year.

Ngayong tanghali ay lilipad kami ni Michael Pangilinan for Tacloban para sa isang fundraising concert na gaganapin sa Tacloban Astrodome with Pokwang, Chokoleit and Ethel Booba.

Malapit na ring matapos ni Michael ang recording ng second album niya under Star Music. He is also very busy rehearsing for “Kanser@35 (The Musicale)” for Gantimpala Theater Foundation where he plays the lead role as Crisostomo Ibarra with ka-alternate Jacob Benedicto.

Pinaghahandaan na rin ni Michael ang kaniyang solo concert sa Music Museum on Aug. 29, 2015. Lahat sila busy kaya busy rin ako, di ba?

In fairness kay Michael, kahit sobrang booked siya with work (thank God!), hindi mo siya nariringgan ng complaints. He’s such a hardworking baby ng bayan.

Napakaganda ng ugali – tulad din ng ate Billy niya and also Nikko. I am praying na sana tuloy-tuloy na ang magagandang karera ng mga alaga natin.

Pagbutihin ang trabaho at huwag pasaway. At higit sa lahat, huwag makalimot magdasal sa Panginoon para magpasalamat sa mga blessings sa mga buhay nila.

Hay buhay, truly very exciting. Kita niyo na, ang unang plano ko lang ay i-congratulate si Prima Diva Billy sa show niya last night pero I ended up with a long novel.

Ganoon naman talaga, di ba? Para kang pumunta ng grocery store para bumili lang sana ng shaver pero you end up buying a truckload of groceries. Kaloka.

To end this conversation, ibabalik ko lang sa original plan ko – simple lang, CONGRATS Prima Diva Billy and to all your co-performers sa “Command And Request”.

Thanks so much sa baby rin nating si Ivan Lee Espinosa on keyboards dahil kung hindi siya mahusay tumugtog, balewala lahat ng performances last night. Guwapo na genius pa. Mwah!

Read more...