Jennylyn pasado sa panlasa ni Sam kahit may anak na

sam milby

Nagkakakilanlan na kayang mabuti sina Sam Milby at Jennylyn Mercado habang sinu-shoot nila ang “Pre-Nup” sa New York City sa USA? Kaya namin ito naitanong ay dahil tanda naming magkahiwalay kaming inusisa nina Sam at Jen tungkol sa kani-kanilang lovelife.

Naunang nagtanong sa amin si Jen pagkatapos ng storycon ng “PreNup“ na ginanap sa Valencia home ni Mother Lily Monteverde. Sabi ni Jen, “Weh, hindi nga? Wala talaga siyang girlfriend? Nagbibiro ka?“

Sabi ng aktres dalawang taon na siyang single at dinenay na nagkabalikan na sila ni Dennis. Nang magkaroon naman ng contract signing si Sam sa Regal Entertainment ay nabanggit din niyang nagagandahan siya kay Jennylyn, bukod pa sa sexy.

Ani Sam, “Di ba may boyfriend siya, ate Reggs?” Na sinagot namin ng wala.Sey naman ni Sam,“Talaga, ang ganda niya, ang sexy niya,” sabay ngiti.

At inamin ng aktor na posible siyang magkagusto sa isang dalagang ina dahil katwiran niya kapag mahal mo ay hindi ito sagabal.

“Opo naman, wala namang pinipili ang love, pero I want to know more about her,” katwiran ni Samuel Lloyd.

Read more...