Walang condonation program

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line, gusto ko lang po sana na magtanong regarding SSS. Hindi ko po kasi makontak ang hotline nila. Gusto ko po sanang itanong kung may condonation program ngayon ang SSS dahil gusto na po sana namin na bayaran ang pagkakautang ng mother ko lalo na’t mahigit sa isang taon lamang ay mag 60 years old na ang mother ko.
Siya ay nag loan sa mahabang panahon na rin noong siya ay nagtatrabaho sa burger house . Sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan.. eto po ang SSS number ng mother ko 03-3638000-9
Anthony Lara

REPLY: Para sa iyong katanungan Mr. De Lara sa kasalukuyan ay walang ipinatutupad na condonation program ang Social Security System (SSS). Huling nagpatupad ng condonation program taong 2012.

Ang condonation program ay kinakailangang i-sponsor sa Kongreso at nangangailangan ng pag-aapruba ng dalawang kapulungan ng Kongreso at lagda ng Pangulo para sa implimentasyon nito

Pinapayuhan na bayaran na lamang ang balance sa loan na maaari naman gawin sa pamamagitan ng installment upang hindi mahirapan sa pagbabayad.

Kinakailangan agad na itong asikasuhin lalo’t malapit na ang kanyang pension age.
Hanggang hindi nababayaran ang loan ay patuloy na nadadagdagan ang penalty at interest kaya mas mainam na asikasuhin na ito.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer, Media Affairs Deparment
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...