John Lloyd: Wife material naman si Angelica, pero…!

john lloyd cruz

Nagsalita rin si John Lloyd Cruz sa isyung hiwalayan nila ng real-life girlfriend niyang si Angelica Panganiban. Of course, knows na natin na sila pa rin.

“We’re okey. We’re happy to be together. Kahit na medyo working week ito for me, somehow we still managed na magkaroon ng oras para sa isa’t isa and makita ko siya on my birthday,” diin ni JLC.

Nagbigay din ng reaksyon si John Lloyd sa naglabas ng balitang split na sila ni Angelica na ayon sa actress ay “tanga-tangang balita,” “Sanay na rin kasi kami sa mga tanga-tangang balita, e,” natatawang sabi ni JLC.

Tinanong namin si John Lloyd kung ano ang kanyang birthday wish, “Wala naman akong mahihiling pa. Wala, e, talagang, I’m very much content with my life. But hindi nawawala ‘yung desire ko to do more and it’s been evolving for the past years.

And siyempre ‘di ba, hindi naman mawawala ‘yung hit and misses? So, you can’t always be on top.” Ang importante raw sa kanya is to have a desire to become a better version of himself, “So, kung sa labas noon, kung ano pa ang mahihiling ko, siguro, baka hindi na para sa akin.

Maaaring para sa mga magulang ko na lang.” Sumingit ulit kami na what about a family of his own, “Hindi pa siguro,” ngiti niya. “Siguro kasi pag ilalagay ko na ang sarili ko doon, gusto ko buong-buo na maio-offer ko sa magiging pamilya ko ‘yung oras ko, ‘yung dedication.

Kasi ayoko naman ng ikakasal ako ngayon, tapos next week may schedule ako. Dahil ‘di ba, pamilya muna.” Wife material naman daw si Angelica for him.

Napakaswerte raw ng lalaking mapapangasawa ni Angelica kahit hindi raw sila ang magkatuluyan. And then, he promised us na he will let us know kung kailan ang wedding. Chooossss!!!

Read more...