Ang paandar ni Iza Calzado noon ay hindi pang-support ang kanyang beauty sa unang kontrata na pinirmahan niya sa ABS-CBN. Meaning, pang-lead actress siya sa lahat ng kanyang mga projects sa ABS-CBN.
But it appears na hindi na ngayon iyon totoo. Ang balita kasi ay isa lamang siyang support sa latest movie nina Kim Chiu, Claudine Barretto at Kris Aquino na tungkol sa mga kabit.
At siyempre pa, kung billing ang pag-uusapan ay mahuhuli tiyak ang name niya lalo pa’t ang tatlong makakasama niya sa movie ay tiyak na bibigyan ng napakagandang billing.
Can afford na ba ngayon si Iza na tumanggap ng non-leading lady roles? Natanggap na ba niya sa sarili niya na hindi talaga siya pambida?
MOST READ
LATEST STORIES