Pagtakbong Presidente ni Sen. Grace Poe sa 2016 ‘Laban o Bawi’

grace poe

ANO ba talaga? Tatakbo ba si Sen. Grace Poe sa pagka-presidente next year o hindi? Ang gulo-gulo kasi dahil may issue raw on her residency – dapat daw ay meron muna siyang 10 years residency as a Filipino citizen bago siya tumakbo either sa panguluhan or sa pagka-vice president. Iyon daw ay nakasaad sa batas.

Eh, ganoon naman pala eh, kung sinasabi nilang six years pa lang naninirahan sa bansa si Sen. Grace at hindi talaga siya puwedeng tumakbo sa presidential elections, dapat hindi na siya isinasali sa survey-survey na iyan para hindi malito ang tao.

This early ay meron na dapat linaw sa batas na hindi siya puwedeng tumakbo. Mas mahirap kasi itong isinasali siya sa survey kung hindi naman pala siya eligible – guguluhin lang nila ang utak ng tao the fact that she tops all the surveys.

Top ka nga tapos di ka naman pala puwedeng tumakbo, hindi lang siya useless, nag-i-invite pa ng revolt sa puso ng taumbayan.
Sasabihin nila, hinarang na naman ng administrasyon.

Baka in the end ay mag-away-away pa ang sambayanan dahil lang diyan. Klaruhin niyo kasi muna kung puwede siya o hindi bago kayo magpa-survey. Kung hindi talaga siya puwedeng tumakbo, huwag kayong mag-entertain ng possibility that she can run. Unfair iyon.

Hindi naman alam ng taumbayan iyan eh, lalo na yung nasa remote areas. Kahit kami ngang nasa siyudad ay huli na naming nalamang ganoon pala iyon – na kung wala ka pang 10 years na naninirahan sa bansa natin as a Filipino citizen ay hindi ka puwedeng tumakbo sa panguluhan and pagka-vice. Pero sa pagka-Senador ay puwede and all.

Ang gulo-gulo talaga ng politika natin – parang pubic hair. Nakakabaliw kasi ang administrasyong ito – dapat ay maglabas na ng mandatos ang Supreme Court na hindi nga puwedeng tumakbo si Sen. Grace Poe para tapos na ang isyu.

Mahirap yung baka umasa nga naman si Sen. Grace Poe na puwede siyang maging presidente eh hindi naman pala.Baka ma-double jeopardy tayo sa mga Poe – nadaya na nga raw si FPJ before, ngayon naman ay nilinlang si Sen. Grace.

Baka lalong magalit si Manang Inday niyan (Ms. Susan Roces) at madagdagan ang old speech niyang, “not just one but twice – ay thrice pa pala!” Gusto niyo ba iyon?

Read more...