Magkaka-anak na ba ngayong 2015?

Sulat mula kay Edralyn Calumpang,  General Santos City

Dear Sir Greenfield,
Nakikita din ba sa kapalaran ng isang tao kungkailan siya magkakaanak o mabubuntis? Kasi almost five years na kaming nagsasama ng live-in partner ko pero hanggang ngayon wala pa rin kaming baby. Masipag naman kaming gumawa at nagawa na namin halos ang lahat ng mga paraang ina-advice ng mga friend namin, pero until now bigo pa rin kaming makabuo. Kaya sana sa tulong mo, Sir Greenfield, ay magka-baby na kami. Ano sa palagay mo, mabubuntis o magkakaanak na kaya kami ngayong taong ito? June 11, 1984 ang birthday ko.

Umaasa,
Edralyn ng General
Santos City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Huwag ka nang malungkot, Edralyn, dahil kitang-kita naman sa iyong palad ang malinaw at mahabang Children Line (Illustration 1. arrow 1.). Ibig sabihin, konting tiis at konting tiyaga pa dahil sa takdang panahong inilaan ng Dakilang Katalagahan ay magkaka-baby rin kayo.

Cartomancy:

Queen of Clubs, Ten of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing basta sipagan n’yo lang ang pagawa, tiyak ang magaganap. Sa Setyembre o Nobyembre ay isang sanggol ang unti-unting mabubuo sa iyong sinapupunan upang pagkatapos ng nine months ay isang malusog at cute na babaeng sanggol ang isisilang.

Itutuloy

Read more...