Kim pa-sweet na kabit sa pelikula nina Kris at Claudine

KIM CHIU

KIM CHIU

Kung walang naging aberya, kahapon ginanap ang story conference nina Kris Aquino, Kim Chiu, Iza Calzado at Claudine Barretto para sa pelikulang “Etiquette Of Mistresses” na ididirek ni Chito Roño produced ng Star Cinema.

Ang balita namin, sa Linggo na (Hulyo 28) ang first shooting day ng nasabing pelikula na hopefully ay maipalabas ng Setyembre kung matatapos kaagad ni direk Chito, dahil knowing naman the famous director na ayaw niya ng minamadali siya.

Anyway, gusto naming hulaan ang papel ng bawa’t isa sa pelikula kung anong klaseng mistress sila base sa pagkakakilala namin.

For obvious reason, malamang gaganap na bitchy mistress si Claudine na ayon na rin sa personalidad niya, si Iza ay sweet and naughty mistress, si Kim naman ang inosenteng mistress at si Kris marahil ang palaban na mistress na lahat ay ibubuko niya.

Pero dahil naikuwento na rati ni Kris na kaya niya muling binawi ang role na kabit ay dahil may redemption sa huli.

Curious kami kung paano napapayag ng Star Cinema si Kim na gumanap na kabit sa pelikula? Di ba wholesome ang imahe niya bossing Ervin at hindi ba ito makakaapekto sa product endorsements niya?

Sabagay, nasa tamang edad na si Kim at panahon na rin para gumanap siya ng seryoso at mabigat na papel sa pelikula at hindi lang parating light drama o comedy ang alam niyang gawin.

In fairness, parang walang effort na kay Claudine ang papel niya bilang mistress dahil maski na hindi siya kabit sa tunay na buhay ay naranasan na rin naman niya ang lahat ng papel sa pelikula o telebisyon at naniniwala kami na isa rin siyang tunay na aktres.

Anyway, sinu-sino naman kaya ang magiging leading man ng mga bidang mistresses sa pelikula?

Read more...