Maraming nag-oopinyon na gaano man kaganda si Julia Barretto ay hindi sapat ang panlabas niyang katangian para marating ng dalaga ang kanyang pangarap na matagumpay na makalusot sa labanan.
May pruweba na tungkol du’n, malagihay lang ang pagtanggap ng publiko sa kanyang mga pelikula, may kulang na elemento sa pakikipagsabayan ni Julia sa kanyang mga kapwa kabataang artista ngayon.
Makahulugang komento ng isang nakausap namin, “Nasa Pilipinas si Julia, hindi siya nagbubuo ng career sa ibang bansa, nasa Pilipinas siya kung saan napakahalaga ng ginagampanang papel ng pagrespeto ng anak sa kanyang mga magulang.
“Nu’ng magdesisyon si Julia na iapela sa korte ang pagpapaalis ng apelyido ng daddy niya sa pangalan niya, e, siya mismo ang pumukpok ng pako para selyuhan ang kabaong ng career niya.
“Maling decision ang ginawa niya, hindi tanggap sa bansa natin ang ganu’n, kawalan ng utang na loob kay Dennis Padilla na tatay niya ang gustong mangyari ni Julia,” komento ng aming source.
At nagkakatotoo ang opinyon ng ating mas nakararaming kababayan, ayaw umigtad ng karera ni Julia, napag-iiwanan na nga siya ng kanyang mga kasabayan.
Iba talaga ang nagagawa ng imahe sa isang personalidad, ‘yun ang nag-aangat sa kanya, ‘yun ang pinagbabasihan ng suporta at paghanga na gustong ibigay ng publiko sa isang artista.