Kris payag nang pag-aralin sa ibang bansa si Bimby

KRIS AQUINO AT BIMBY

KRIS AQUINO AT BIMBY

Keraming gustong mangyari ni Kris Aquino sa kanyang buhay at sa mga anak na sina Bimby at Joshua.

Ang latest paandar ni Kris, she wants Bimby to study abroad.

Natanong kasi ni Erich Gonzales, ang la favoritang guest niya sa kanyang morning show, kung ano ang plano niya sa college education ni Bimby.

Agad-agad ang naging sagot ni Kris, “Abroad.”

“Kasi feeling ko na, if you can afford the best possible education, ibigay mo na eh, feeling ko naman smart s’ya talaga so dapat i-ano ko…”

“At gusto n’ya naman mag-aral. ‘Di ba, nu’ng sinasabi ko, let’s go to ganito, (sabi niya), ‘but I have school’. Meron talaga siyang sense of discipline na bawal um-absent absent,” chika ni Kris.

This Kris is all plan. Kesyo gusto niyang mamuhay nang simple. Kesyo gusto niyang tumira sa US for one year. Ang kaso, hindi naman niya ito nagagawa kaya naman ang feeling ng marami ay puro paeklay lang niya ang lahat para nga naman may mapag-usapan sa kanya para maging relevant pa rin siya.

Read more...