John Lloyd sa relasyon nila ni Angelica: Ok kami, maligaya kami!

ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

MARIIN ding dinenay ni John Lloyd Cruz na hiwalay na sila ni Angelica Panganiban. Ayon kay Lloydie, maligaya pa rin siya sa piling ng kanyang girlfriend. Ito ang ipinagdiinan niya sa presscon ng month-long special ng aktor sa Maalaala Mo Kaya kanina sa Morong, Bataan.

“We’re okay, we’re happy together. Kahit nga medyo working week to for me, we make sure na naghahanap kami ng oras para makita ko siya or makita niya ko,” sey ni Lloydie.

Napikon ba siya sa balitang nag-break na sila ni Angelica? “Sanay na rin kami sa mga ganyang balita. Parang kung mapipikon ako hindi sa mga ganu’ng mga sabi-sabi, dapat noon pa ako napikon lalo na sa mga taong hindi dapat nabubuhay sa mundo. Ha-hahaha!”

Samantala, for the first time, sa history ng MMK, magbibida si Lloydie sa apat na episodes ng drama anthology ni Charo Santos. Una ngang ipalalabas ngayong Sabado ang reunion nila ng kanyang ka-loveteam sa Tabing Ilog na si Kaye Abad. Huling napanood ang aktor sa MMK noon pang 2008.

Walong episodes na ang nagawa ni John Lloyd sa MMK, una na riyan ang “Peanut Butter” episode noong 2000 at ang huli nga ay ang “Pedicab” episode noong 2008. Noong 2005, ginawa niya ang “Skating Rink” kung saan nanalo siyang best actor sa Golden Screen Entertainment TV Awards.

Sa pagbabalik niya sa MMK, gagampanan niya ang karakter ni Tarik, isang anak na ninais kalimutan ang kanyang nakaraan dahil sa labis na kalungkutang dinanas ng kanyang ina na si Espie (Agot Isidro) nang masira ang kanilang pamilya.

Sa pagkawalay nila ng kanyang ina, sinubukan ni Tarik na talikuran ang lahat ng mapapait na alaala ng kanyang kabataan sa kabila ng malaking kakulangan na kanyang nararamdaman. Ngunit unti-unting nagbago ang buhay ni Tarik nang nagdesisyon siyang hanapin ang kanyang nanay, at nang nakilala niya ang babaeng minahal at naging sandalan niya na si Rea (Kaye).

Tunghayan ang kwento sa likod ng mga sugat sa puso ni Tarik at alamin kung paano niya muling nabuo ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagmamahal ng kanyang pamilya. Sa Sabado na yan ng gabi sa MMK.

Makakasama rin dito sina Harvey Bautista, Marlann Flores, Nico Antonio, Jong Cuenca, Sonjia Calit, at Maila Gumila, sa direksyon ni FM Reyes at sa panulat ni Benjamin Benson Logronio. Bukas na yan sa MMK, 8:30 p.m. pagkatapos ng The Voice Kids sa ABS-CBN.

Read more...