ATM number ni mister nagpanalo kay misis ng P274.17 M jackpot sa lotto

Isang 46-anyos na babae mula sa Las Pinas City ang nanalo ng P274.17 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Hunyo 20.
Ang nanalo ay may-asawa at limang anak. Mula noong 2000 pa siya tumataya sa lotto. Nagkakahalaga ng P80 ang kanyang itinaya ng manalo.
Ang tinamaan niyang numerong 1-6-8-27-30-35 ay nakuha niya mula sa ATM card ng kanyang mister.
Plano niyang tulungan ang kanyang mga kapatid at ideposito ang pera sa bangko.
Noong Martes pumunta ang nanalo upang kunin ang kanyang premyo.
Sadyang hindi inilalabas ng Philippine Charity Sweesptakes ang pangalan ng nanalo upang mabigyan ito ng proteksyon laban sa mga masasamang loob.

Read more...